NASA Pilipinas ang mga pamosong international volleyball stars mula sa iba’t ibang bansa para sa Volleyball Nations League (VNL) Manila Leg, at unang nasilayan ng mga Pinoy sa fans day sa MOA Arena sa Pasay City.
Dumalo rin si Alyssa Valdez at ang kanyang teammates sa Creamline na sina Risa Sato at Ced Domingo.
Ipinost ni Alyssa , ang three-time PVL MVP, ang kanyang larawan kasama sina Japanese volleyball stars Ran Takahashi at Yuji Nishida.
Nagpunta rin sa okasyon ang ilang players ng men’s national volleyball team na sina Jao Umandal at Steve Rotter.
Matatandaan mismong si First Lady Liza Araneta-Marcos ang gumawa ng ceremonial serve sa pagsisimula ng VNL noong Martes, Hulyo 4.