INATASAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Justice (DOJ) na busisiin ang isyu ng onion smuggling sa bansa.
Aminado ang Pangulo sa masamang epekto ng onion smuggling sa sektor ng agrikultura sa bansa, lalo na sa mga magsasaka, na naging matingkad sa Senate Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform Report No. 25.
Binibigyan diin ng Pangulo ang kahalagan nang pagsusulong ng rule of law at pagpanagot sa mga nasa likod ng onion smuggling.
Katulong ng DOJ sa pag-iimbestiga ang Bureau of Customs (BOC) at ang Department of Agriculture (DA) at bumubuo sa Anti-Agricultural Smuggling Task Force at isang Special Team of Prosecutors na tututok sa pagbibigay proteksyon sa agri sector, hindi lamang sa onion industry.
Ang mga miyembro ng Task Force ay ang Office of the Prosecutor General, na pinamumunuan ni Chief State Prosecutor Richard Fadullon at ang National Bureau of Investigation, sa pangunguna ni Director Medardo De Lemos.