NASUNGKIT ng Pilpinas ang kampeonato sa World Cup of Pool doubles na ginanap sa Spain.
Tinalo nina Johann Chua at James Aranas sa torneo ang bansang Germany para makuha ang ikaapat na World Cup of Pool ng Pilipinas.
Dominado na ng Pilipinas sa umpisa pa lang ang laro at hindi nakalamang ang kalaban nilang Germans.
Bago makarating sa finals ay tinalo ng Pilipinas ang Austria habang ang Germany ay tinalo ang China 9-7.
Maiuuwi nina Chua at Aranas ang premyong US$60,000 o mahigit tatlong milyong piso.
Unang napanalunan nina billiard legends Efren Reyes at Django Bustamante ang dalawang titulo para sa Pilipinas noong 2006 at 2009.