BAGO tumuntong ng 40-anyos, pakakasalan na ni Gerald Anderson ang nobyang si Julia Barretto.
Ayon sa 34-taong gulang na aktor, bahagi ng kanyang plano sa susunod na limang taon ay ihatid sa dambana si Julia.
Ibinulalas ni Gerald sa panayam sa kanya sa Iskovery Night ni dating Manila Mayor Isko Moreno, kung gaano siya kaligaya sa piling ni Julia sa nakalipas na tatlong taon.
“Three years na ‘yun? Saya, magaan—iwan na lang natin ‘dun. Nagulat nga ako, eh. Parang ‘really? That long na?’” anang aktor.
“I think dun mo talaga malalaman na masaya ka talaga, kasi hindi mo na binibilang eh, hindi mo nararamdaman [na ganun katagal na],” aniya.
Napakagaan daw kasama si Julia, simpleng taon at walang insecurities.
Walang kaduda-duda na si Julia na nga ang ‘the one’ para kay Gerald.