NASAWI ang isang siyam na buwang gulang na sanggol nang malunod sa isang baldeng tubig sa siyudad ng Cebu kamakalawa.
Nabatid sa report ng GMA News “Saksi” na ayon sa ina ng sanggol, sa sobrang pagod ay nakatulog siya kaya’t hindi niya na namalayan na gumapang patungong balde ang kanyang anak.
Nakita na lamang ng lola ang sanggol na wala ng buhay sa loob ng balde.
Sinisiyasat ng mga awtoridad kung aksidente ang naganap.