INILUNSAD kamakalawa ng Dreamscape production,ng ABS-CBN Entertainment ang comedy-drama series Confessions of an Ukay Queen Watch Party na kinatatampukan nina Kim Chiu, Kylie Verzosa, Jake Ejercito, Angel Aquino at Christopher de Leon.
Umikot ang istorya nito sa pakikipagtungali sa buhay ni Melanie na ginagampanan ni Kim Chiu mula nang abandonahin siya ng kanyang ina noong sanggol pa hanggang pumasok sa mundo ng fashion.
Esklusibong mapapanood ang lahat ng episodes ng Confessions of an Ukay Queen sa Prime Video simula sa Hulyo 6 sa 240 bansa sa buong mundo.