BINAWIAN ng buhay ang isang 26-anyos na babae matapos burdahan ng 33 saksak n kanyang kinakasama sa Paracelis, Mountain Province dahil sa matinding pagseselos.
Base sa ulat, kinilala ang biktima na si Clexy Ilacad ng Barangay Poblacion habang ang suspect na si Rodante Palangdao ay sumuko sa mga pulis matapos ang insidente.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon ng matinding pagtatalo ang magdyowa bunsod sa alegasyon ng suspect na may ibang lalaki ang biktima.
Itinanggi ng pamilya ng biktima ang akusasyon kay Clexy habang ang suspect ay nagsisi sa kanyang pagpatay sa biktima lalo na’t naulila sa ina ang kanilang dalawang taong gulang na anak.