IPINAGMALAKI ng aktres na si Xyriel Manabat ang pagbabago sa kanyang hitsura matapos sumailalim sa cosmetic surgery.
Isinapubliko ni Xyriel ang kanyang transformation sa mga ipinaskil na mga larawan sa kanyang Instagram account.
Chika ng isang kaibigan, ngayong tumangos na ang kanyang ilong, tila naging kahawig na ni Xyriel ang wifey ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati.
Si Xyriel ay isa sa mga artistang tampok sa top-rated series na “Dirty Linen” na napapanood sa TV5.