“Inseparable, that’s how we’ll always be
Inseparable, just you and me
It’s so wonderful to know you’ll always be around me.”
‘Yan ang mga linya ng pamosong kantang Inseparable ni Natalie Cole noong dekada ’70 na angkop na angkop sa sinasabing magsing-irog na mga opisyal ng administrasyong Marcos Jr.
Bakit kanyo? Aba’y hindi magiba ang kanilang tambalan kahit ilang administrasyon na ang dumaan.
Hindi rin matatawaran ang mga unos na pinagdaanan ng kanilang ‘lihim’ na relasyon.
Sumikat silang dalawa ng husto nang mabisto ng isang solon ang isiningit ni Lady Love sa budget ng bansa.
May chika pa noon na nagtangka raw si Lover Boy na suhulan ang ibang mambabatas para mapagtakpan ang sumingaw na ohab sa pananalapi ni Lady Love.
“Ang nakalulungkot kasi ay tila hawak nila ang bolang kristal pagdating sa datung ng Filipinas kong mahal,” sabi ng source.
“VAT ba kayo nakikialam sa love life nila?” tanong ng miron .
“Nadagdag kasi sa dictionary ng ordinaryong Pinoy ang rightsizing at inflation dahil sa kanila,” tugon ng source.
CLUE :
Paborito nila ngayon ang salitang “Maharlika” at todo susol sa kanilang bossing na ilagak ang pera ng bayan sa mga proyektong walang mapapala si Juan.