MISTULANG bumabawi ang Academy of Motion Pictures Arts and Sciences kay multi-awarded international actor na si Dolly de Leon kaya’t inimbitang na maging miyembro.
Ang Academy ang namamahala sa Oscar Awards, at matatandaan na umaasa si De Leon na maging nominado man lamang para sa role niya bilang Abigail sa pelikulang “Triangle of Sadness.” sa lahat ng pangunahing award-giving bodies sa season na iyon.
Noong hindi siya naging nominado, inamin ni De Leon na nadismaya siya, “I cried about that,” sabi niya.
“I just wanted a nomination. That’s all I wanted.”
Maging ang mga dayuhang kritiko at cineastes ay nagpahayag ng kanilang panlulumo nang malaman nilang hindi siya nominado.
Pabirong binitawan ng British director na si Edgar Wright sa Twitter na isusulat pa rin niya ang “Dolly de Leon” sa kanyang Oscar ballot.