CALAPAN CITY -LABINLIMANG katao ang malubhang nasugatan sa naganap na pagsabog sa isang Korean restaurant sa Calapan City, Mindoro kaninang umaga.
Sa ipinaskil na video ni Majed Ali sa Facebook, kitang-kita ang mga taong nagmamadaling naglabasan sa Mr. Won Samgyupsal sa Xentro Mall.
Dahil sa lakas ng pagsabog, may mga kotse at katabing mga establisimyentong napinsala.
Hinihinalang gas leak mula sa kusina ng restaurant ang sanhi ng pagsabog pero iniimbestigahan pa ito ng mga awtoridad.
Ayon sa ilang saksi, sumiklab ang malaking apoy mula sa kusina ng restaurant makaraan ang malakas na pagsabog.