UMANI ng batikos mula sa netizens ang mga paskil sa social media ng aktres na si Sylvia Sanchez sa pagsakay ng kanyang pamilya sa helicopter nang namanhikan sa pamilya ni Maine Mendoza sa Sta. Maria, Bulacan.
Paliwanag ni Sylvia sa TV host na si Cristy Fermin, nanggaling sila ng mister na si Art sa Makati City dahil dumalo sa binyag ng anak ni Smokey Manaloto na best friend ng aktres.
Tatlong beses na raw nauurong ang iskedyul ng binyagang ito dahil kay Sylvia kaya’t sa ikatlong pagkakataon, kailangan na niyang dumalo sa seremonya pati sa reception.
Sa sobrang trapik sa NLEX sanhi ng concert ni Bruno Mars, minabuti ng mag-asawang Atayde na sumakay na lamang ng chopper para makarating sa bahay nila Maine.
Kaya labas daw ang isyu nang pagyayabang sa usaping ito at nananatili raw na payak ang pagkatao ni Sylvia sa kabila ng pagbabago ng estado ng buhay nito, sabi ni Fermin..