ISANG tabloid reporter ang sugatan habang apat sa kanyang kaanak ang napinsala rin matapos harangin ang kanilang sasakyan at paulanan ng bala kanina sa Quezon City.
Sa ulat ni Quezon City Police District Station 2 (Masambong) Commander P/Lt. Col. Resty Damaso, kinilala ang biktima na si Joshua Abaiad, ng Remate On-Line habang hindi pa natukoy ang pangalan ng kanyang mga kaanak na sugatan din sa insidente.
Naganap ang ambush dakong alas-3:50 p.m sa kanto ng Corumi at Gazan Street sa Barangay Masambong, Quezon City.
Nabatid na nakasakay si Abaiad Ford Everest na minamaho ng kanyang ama nang biglang harangin sila ng isang gray Toyota Vios at bumaba ang isang armadong suspect at pinagbabaril ang sasakyan ng mga biktima.
Mabilis na tumakas ang mga suspect patungong Del Monte Avenue.
Batay sa video footages sa lugar, nakita na isang motorcycle riding men ang bumubuntot sa kotse ng mga biktima at matapos ang ambush ay tumakas din kasabay ng iba pang suspects.