ANG alak ay inilalagay sa tiyan, hindi sa ulo. Kasabihan iyan ng mga manginginom na ayaw malagay sa kahihiyan o kapahamakan.
Hindi raw ito applicable sa isang mambabatas na tila nagbabagang bunganga ng bulkan ang katawan kapag nasasayaran ng alak ang kanyang lalamunan.
“Isang batambatang lady journo ang nakaranas mabastos ng manyakis na solon sa isang Christmas party,” sabi ng isang eyewitness.
Aba’y inakbayan daw ng manyakis na solon ang lady journo at idinikit sa kanyang kanyang katawan na tila ayaw na niyang pakawalan.
Nagulat daw ang lady journo at nalagay siya sa awkward situation na kung sasapakin niya ang manyakis na solon ay lilikha siya ng eksena at masisira ang masayang mood ng party.
“Mabuti na lang at to the rescue ang isa pang lady journo at pinagsabihan ang manyakis na solon,” Lumayo ka, Sir, mahigpit ang nanay niya at may Covid pandemic pa,” kuwento pa ng saksi.
Napilitan daw ang manyakis na solon na tantanan ang kanyang biktima kaya’t laking pasalamat ng lahat at nagwakas ang nakakabwisit na eksena.
Matagal na palaisipan ang mga inaasta ng manyakis na solon kapag nakakainom dahil minsan ay mga lalaki naman ang kanyang pinagti-tripan sa inuman.
“Minsan ay gusto naman niya may maiiwan na makakainumang lalaki, binibigyan niya ng 5k bawat isa para hindi siya iwanan ,” humahalakhak na kuwento ng saksi.
“Anong ibig mong sabihin, may pagka-Silampel Cojuangco ang manyakis na solon?” patiling tanong ng isang miron.
“Ewan ko. Ang alam ko pamilyadong tao siya at galing sa sikat na pamilya,” sagot sa kanya.
CLUE:
Action star ang gustong imahe ng manyakis na solon kahit mismong mga paa niya’y hindi na niya makita sa laki ng kanyang tiyan.
Para siyang kasoy na ipinatong ang ulo sa balikat at minsang nasangkot kay Mareng Janet.
Kasong plunder daw ang kinatatakutan niya dahil ayaw niyang mabansagang The Bad One at makulong ng matagal gaya ni PARE.
Gusto niyang magbangong-puri at palabasin na galit siya sa sex offender.
Yun na!