MASAKLAP na pagkatalo ang dinanas ng Gilas Pilipinas Women mula sa host country Australia nang tambakan sila sa score na 105-34 sa umpisa ng 2023 Womens’ Asia Cup Division A sa Quaycenter sa Sydney.
Hindi uubra ang 18 puntos na nagawa ni Vanessa de Jesus, guard ng Gilas Women, na bantay-sarado sa naglalakihang Australian players.
Magsusumikap ang Gilas Women na makabawi sa kanilang paghaharap ng Japan at Chinese Taipei.
Ang pangunahing koponan lamang kasi sa bawat grupo ang makakapasok sa semifinals.
Habang ang walong koponan na may mataas na ranking ay siguradong makakapasok sa 2024 Paris Olympics.