TINANGGALAN ng Korte Suprema ng lisensya bilang abogado si Presidential Adviser for Poverty Alleviation Lorenzo “Larry” Gadon kaugnay sa kanyang “misogynistic, sexist and abusive” remark against a journalist.
Sa isang tweet kanina, inihayag ng SC Public Information Office na sa unanimous vote na 15-0, nagpasya ang SC en banc na i-disbar si Gadon.
“By a unanimous vote of 15-0, the Supreme Court En Banc resolved to disbar Atty. Lorenzo “Larry” Gadon for the viral video clip where he repeatedly cursed and uttered profane remarks against journalist Raissa Robles,” anang kalatas ng SC.
Ayon kay Gadon, maghahain siya ng motion for reconsideration bunsod ng paniwala niyang masyadong mabigat ang ipinataw na parusa sa kanya ng Kataas-taasang Hukuman.