AABOT sa limang milyong Pinoy ang mawawalan ng kabuhayan dahil tiyak na mamamatay ang lokal na industriya ng asukal sa Pilipinas kapag ipinilit ni Finance Secretary ang sugar import liberalization.
“Our local sugar industry is going to die kung ipapatupad nila yung liberalization of importation,” pahayag ito ni Manuel Lamata, President of the United Sugar Producers Federation of the Philippines, sa panayam sa programang Ted Failon at DJ Chacha sa Radyo Singko kahapon.
Sa halip na bumili ng kanilang supply sa local sugar producers, pinapayagan ni Diokno ang mga dambuhalang negosyante na mag-angkat ng asukal.
“Maraming mawawalan ng trabaho kasi mamamatay, masisira. No one is going to plant, why? Who is going to buy local sugar? Kasi aangkat lang sila. So wala na,” ani Lamata.
Sa naturang plano ni Diokno, lumalabas aniya na pinapaboran ng kalihim ang interes ng iilang bilyonaryo sa halip na ang kapakanan ng mga ordinaryong mamamayan.
“There is no industry to talk about. Ano ba talagang plano ni secretary? Wawasakin yung sugar industry only to favor these few industrials – mga multinational pa? Ano ba? Pilipino muna. Unahin muna yung Pinoy. Unahin muna yung partner. Hindi itong mga industrial na mga bilyonaryo na,” giit niya.