“I will be raising our flag high and will wear the Philippine sash across my heart with both humility and pride.”
Pahayag ito ni Pauline Amelinckx, ang pambato ng Pilipinas sa Miss Supranational Philippines 2023 bago tumulak patungong Poland para sa coronation night sa Hulyo 14.
Bago umalis patungong Poland, nakahanda na si Pauline na maging isa sa mga frontrunner ng pageant nang siya ay umabante sa top 10 semi-final round ng Supra Chat challenge ng kompetisyon.
Si Pauline ay tinanghal na Miss Supranational Philippines 2023 noong Mayo kasunod ng Miss Universe Philippines 2023 coronation night.
Makikipagkompitensya siya sa pag-asang mapanalunan ang ikalawang Miss Supranational crown ng Pilipinas, kasunod ni Mutya Datul noong 2013.