TARGET ni Pinoy boxer Jerwin Ancajas na makaharap si World Boxing Association (WBA) bantamweight champion Takuma Inoue matapos niyang talunin si Wilner Soto ng Colombia sa Minneapolis, Minnesota kamakalawa.
Si Inoue ay mayroong 18 panalo isang talo at apat na knockouts.
Nagpakitang gilas si Ancajas sa una niyang pagsabak sa super bantamweight division nang bigwasan ng husto si Soto.
Kaya naman sa ika-limang round pa lamang ay ipinahinto na ng referee ang laban dahil hindi na kayang lumaban ni Soto.
May record ang Pinoy boxer na 34 panalo, tatlong talo at dalawang draw na mayroong 23 knockouts.