HINATULAN ng habambuhay na pagkabilanggo ng Baguio Regional Trial Court branch 61 ang isang lalaki na nagtangkang magpuslit ng shabu na nakasingit sa adobo at baraketa sa Baguio City Jail.
Pinagbabayad din ng multang P500,000 ng hukuman ang convict na si Jhon Raymond Cariño Pinto alias Michael Aldawood.
Noong Pebrero 12, 2021 nang ipinasok ni Pinto ang mga dalang ulam sa entrance ng Baguio City Jail ngunit nang bulatlatin ito ng jail guards, nabisto ang nakasingit na sampung sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P150,000 na dadalhin sana sa male dormitory ng bilangguan.
Nakatakas si Pinto ngunit makaraan ang apat na araw ay nadakip siya sa isang buy-bust operation ng City Drug Enforcement Unit.