ITINALAGANG ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Atty. Larry Gadon bilang Presidential Adviser for Poverty Alleviation.
Ang kanyang appointment ay sumasalamin sa komitment ng pamahalaan sa pagtugon sa pinakamatitinding hamon sa bayan, ayon sa Presidential Communications Office (PCO).
“ He will play a pivotal role in advising the President on strategies and policies aimed at combating poverty and improving the lives of the most vulnerable sectors of society,” sabi ng PCO sa paskil sa Facebook.
Makikipagtulungan si Gadon sa mga ahensya ng pamahalaan, , non-governmental organizations, at iba pang stakeholders sa pagbalangkas at implementasyon ng mga programang tutugon sa mga ugat ng kahirapan, sabi ng PCO.