Ito ang sinapit ng isang bangkay nang sugurin ng isang lasing at kanyang burol at kinuha siya mula sa kabaong at ibinagsak sa sahig sa Bagabag, Nueva Vizcaya.
Batay sa ulat, pinagtripan ang mga labi ni Gonzalo Espinosa ay pinagtripan ng lasing na kapitbahay na si Teofilo Salorias.
Sa salaysay ng kapamilya ni Espinosa, biglang pumasok sa kanilang bahay si Salorias, binuksan ang kabaong at ibinagsak sa semento.
Agad naman naibalik ang bangkay sa loob ng ataul ng mga kawani ng punerarya.
Dinakip ng mga pulis si Salorias pero pinalaya rin dahil hindi na siya sinampahan ng kaso ng pamilya Espinosa.