RAINY days are here again.
Bulung-bulungan ito ng mga manggagawa sa isang television network nang maluklok muli bilang kanilang boss ang isang lady executive na mahilig magpaulan ng mura.
Walang pakundangan ang Aleng Palamura kung magpakawala ng P.I. kapag may hindi siya nagustuhang tao o usapin.
Unang araw pa lang raw ni Aleng Palamura sa kanilang himpilan, aba’y mistulang machine gun ang bunganga niyang rumepeke ng P.I. nang malaman na ang kanyang pinalitan sa puwesto ay nanatili sa kompanya, sa ibang posisyon na nga lang.
“Mahihiya si Digong sa lutong mag-P.I. ni Aleng Palamura. Kababaeng tao pa naman niya, hindi na siya nahiya o kilabutan kapag sinasabi niya sa masamang paraan ang salitang INA,” anas ng isang nabububwisit na kawani.
Nagtataka nga raw sila kung paano nakakatiis sa bastos niyang bunganga ang kanyang dyowa considering na unipormado pa naman ito.
CLUE:
Balikbayan sa TV network si Aleng Palamura na inabot ng isang taon bago masungkit ang inaasam na posisyon.