NAALIW ang netizens sa pag-uusap ng mag-amang Jake Ejercito at Ellie na ibinahagi ng aktor sa social media kaugnay sa inaabangang Taylor Swift Eras tour sa 2024.
Sa Twitter,pabirong sinabi ni Ejercito na ang kanyang savings ay malapit nang magkaroon ng ‘nervous breakdown.”
Inihayag ito ng aktor matapos sagutin ni Ellie ang kanyang tanong kung gusto ng anak manood ng Taylor Swift concert sa Singapore o sa Tokyo.
“Are you a fan of Taylor Swift’s?” tanong ni Ejercito kay Ellie.
“Why” ang maigsing sagot ni Ellie sa ama.
“She’s going to Tokyo and Singapore. You wanna see her live?”saad ni.
Inihayag kamakalawa ni Swift sa pamamagitan ng Instagram post ang dagdag iskedyul ng kanyang pinakaaabangang Eras Tour.
Tatlong palabas sa National Stadium sa Singapore sa Marso 2, 3, at 4, at apat na pagtatanghal sa Tokyo Dome sa Japan sa Pebrero 7, 8, 9, at 10.
Dadalhin din ni Swift ang kanyang Eras concert sa iba’t ibang bahagi ng mundo hanggang Agosto 2024.