NAMAHAGI ng mga pagkain ang Police Regional Office (PRO) Mimaropa sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa mga apektado ng oil spill sa Naujan, Oriental Mindoro noong Hunyo 19 sa Mena Valencia Gymnasium sa Brgy. Poblacion 1.
Sa mensahe ni PRO Mimaropa Regional Director PBGEN Joel B. Doria, iginiit niyang ang hanay ng mga pulis ay nakahandang makipag-ugnayan sa iba’t-ibang mga ahensiya at organisasyon upang matulungan ang mga mamamayan sa panahon ng pangangailangan.
Layunin ng aktibidad na mabigyan ng ayuda ang mga pamilyang apektado ng oil spill ang kabuhyan.
Nagpasalamat siya sa pamunuan ng PAGCOR na walang alinlangan na tumugon sa kanilang kahilingan.