GAWING matibay, pasok sa budget at tapusin sa takdang panahon ang infrastructure projects ng pamahalaan.
Ito ang panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa Department of Public Works and Highways (DPWH) kanina sa ginanap na ika-25 anibersaryo ng kagawaran sa Port Area, Manila.
“We have to always also remember— the decision that we make today, we will have to live with it for the next 80 to 100 years. Let’s just not think of what looks good today, it has to last),” anang Pangulo sa kanyang talumpati.
“It has to physically survive that kind of time period. But more than that, it is built and designed in such a way that what we build will continue to serve its purpose for the next 80-100 years,” dagdag niya.
Hinimok niya ang DPWH na isama ang mga elemento ng kultura at kasaysayan ng Pilipinas sa mga disenyo ng imprastraktura nito.
Hinikayat din niya ang kagawaran na makinig sa mga pangangailangan ng mga Pilipino at manatiling tapat sa mandato nito na magbigay ng de-kalidad na imprastraktura na magpapaunlad sa buhay ng mga mamamayan.