HINILING ni suspended Rep. Arnolfo Teves Jr. (Negros Oriental) na tanggalin sa hurisdiksyon ng Department of Justice (DOJ) ang preliminary investigation sa kaso ng pagpatay kay dating Gov. Roel Edgamo at illipat sa tanggapan ng Ombudsman.
Inihain ni Ferdinand Topacio, abogado ni Teves ang Urgent Motion to Inhibit, na humihiling sa DOJ at sa prosecution panel na itigil ang ongoing preliminary investigation at ibigay sa Office of the Ombudsman ang responsibilidad ng pagsisiyasat sa mga kaso laban sa kanyang kliyente.
Akusado si Teves bilang mastermind ng krimen na ikinasawi ni Degamo at siyam pang iba.
Giit niya, ito’y upang matiyak na magkakaroon si Teves ng isang “impartial tribunal to determine the existence of probable cause and assure that his constitutional right to due process is properly observed.”
Ayaw pa ring umuwi ng bansa ang suspendidong mambabatas dahil sa pangamba raw sa kanyang seguridad.
Ang hirit ng kampo ni Teves laban sa DOJ ay tulad din ng ginawa ni dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag, itinuturong mastermind sa pagpatay sa batikang broadcaster na si Percy Lapid,ngunit ibinasura ng DOJ.