ANG paglalagat ng body camera sa mga tagapagpatupad ng batas ay isanghudyat na wala ng tiwala sa mga awtoridad ang publik.
Ito ang nabubuong pananaw ng maraming tao sa usaping ito.
Hindi naman sa kontra ako, pero in bad taste yata dahil ba sa maraming hulihan ang napatunayan puro pamemera lang ang pakay?
Maari rin isipin ng publiko na pinakamalakas na sandata sa kasuhan ay ang video footages at sa maraming pagkakataon ay napatunayang malaking tulong ang CCTV camera sa paglutas ng mga naglalakihang krimen.
Tulad na rin sa naging usapin sa pagkahuli sa isang kawani ng Philippine National Police (PNP) na may halos isang toneladang shabu at kung walang kuha ng CCTV eh tiyak na hetot na naman ang kaso.
Aminado si Manila Police District (MPD) Director P/BGen Andrei Dizon na marami sa malalaking kaso ang na resolba dahil na rin sa tulong ng CCTV camera kaya sa ayaw at gusto natin napapanahon na lalo na’t nasa digital era tayo ngayon.
Sigurado akong hindi masaya ang mga pulis na magsuot ng body cam habang sila ay on duty at pakiramdam nila, ang sikip ng galawan at tila nakatali sila.
Pero sabi nga ‘pag ‘di ka na nagtitiwala sa mga bantay mo sa bahay ay mainam na may CCTV , ganun din ba salaw enforcers?
Kung ako tatanungin kung dapat pa bang kabitan ng body cam ang tao, parang ang hirap sumang-ayon .
Talaga bang tayo’y wala ng tiwala sa isa’t isa?
Hindi ba dapat ang nanunungkulan sa gobyerno ay nakaangkla sa tiwala kaya nga nakasaad sa 1987 Philippine Constitution, “A public office is a public trust,” kaya sino man ang pumasok bilang public servant, dapat marangal, matuwid, at mapagkakatiwalaan.
Tama siguro ‘yung awitin ng sikat na rock singer na si Billy Joel.. Honesty is such a lonely word, everyone is so untrue” hehehe sapak ang salita sa mga balasubas sa posisyon sa gobyerno.
Hindi sa tutol ako na kabitan ng body cam ang law enforcers, pero kung magkaganon ‘wag sanang selective, lahat ng kawani ng pamahalaan mula presidente hanggang barangay tanod.. hehehe say nyo mga repapis ? Hanggang sa susunod po.