MAS komportable sana ang aktres na si Angelica Hart kapag walang plaster ang maseselang bahagi ng kanyang katawan sa ilang maiinit na eksena sa Vivamax original series, High On Sex 2 na mapapanoood simula sa Hulyo 2, 2023.
‘Actually, mas comfortable naman talaga ang walang plaster pero baka meron bigla na lang pumasok hahaha joke lang,” natatawang wika ng aktres sa ginanap na virtual media briefing para sa High on Sex 2 kahapon.
Tugon ito ni Angelica sa tanong kung saan siya mas komportable, sa meron o wala siyang plaster.
Todo puri si Angelica sa husay at pagiging metikuloso ng kanilang direktor na si GB Sampedro.
“Lahat po nang ginagawa namin, tsinetsek nyang mabuti. May pagkaperfectionist din siya minsan.”
“Pagdating po sa plaster-plaster, lagi po niyang kaming tinatanong kung komportable ba kami .”
Ang High on Sex 2 ay tumatalakay sa pagpukaw sa kamalayang sekswal ng high school students na kinatatampukan nina Angelica, Apple Dy, Aiko Garcia, Audrey Avila, Cess Garcia at Clifford Pusing. Kasama rin sina Jamilla Obispo, Francine Garcia, Jason Evans at Van Allen Ong.