NATAGPUANG wala ng buhay ang 33-anyos na South Korean singer Choi Sung Bong sa loob ng kanyang bahay sa Seoul.
Pinaniniwalang nagpakamatay ang singer matapos ipaskil ang ginawang suicide notesa kanyang You Tube channel na may pahiwatig sa kanyang plano, ayon sa South Korean entertainment portal na AllKpop.
“Hello, this is Choi Sung Bong. The reason I am writing this is to send a letter to my fans for the last time in my life.
“If you’re able to see this, it means I am already dead.”
Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang mabatid ang mga pangyayari bago naganap ang suicide.
Kinagiliwan ng madla si Choi bilang contestant sa ‘Korea’s Got Talent’ noong 2011 bunsod ng ipinamalas na katatagan at determinasyon sa buhay hanggang maabot ang pangarap na maging singer.
Noong 2020 ay nasangkot sa kontrobersya si Choi ng matuklasang nagsinungaling siya na may iba’t ibang uri raw siya ng cancer para makalikom ng mga donasyon sa mga tao para ipantustos sa kanyang
pagpapagamot.
“I sincerely apologize to those who have suffered due to my foolishness.
I’m sorry. I repaid back all the donations that were given to me over the past two years. Now, I want to repay my sins with my life.I’m sorry to everyone who has helped me.”
“I’m sorry. I think I endured for long enough. Please forget me. Also, I hope you’re happy in each of your lives.”