HINDI na muna nagpaturok si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ng bivalent COVID-19 vaccine kanina.
Marami raw kasi siyang nakatakdang events sa labas ng Malacañang hanggang katapusan ng buwan.
Baka raw kasi makaramdam siya ng side effects kapag nabakunahan at makansela ang kaniyang mga aktibidad, ayon kay Dr Kezia Lorraine Rosario, medical officer at head ng health promotion unit ng Department of Health ( DOH).
Dumalo ang Pangulo sa paglulunsad ng DOH ng bivalent COVID-19 vaccines sa Philippine Heart Center sa Quezon City kaninang umaga
Dumating sa bansa ang 39,000 doses bivalent COVID-19 vaccines noong Hunyo3, 2023 at inaasahang magbibigay proteksyon laban sa COVID-19 strain, SARS-CoV-2, and Omicron subvariants BA.4 and BA.5 at ang healthcare workers at senior citizens ang prayoridad na matuturukan nito.