MAGLALAAN ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng P80-M halaga ng kabuhayan para sa mga mangingisdang malapit sa West Philippine Sea (WPS).
Sinabi ni BFAR head of Information and Fisherfolk Coordination Unit and spokesperson Nazario Briguera na ang naturang pondo ay magmumula sa Livelihood Activities to Enhance Fisheries Yield and Economic Gains for the West Philippine Sea o LAYAG West Philippine Sea project
Inaasahang mapapalakas ng nasabing proyekto ang produskyon ng mga mamamalakaya sa naturang lugar o mga lalawigang nakaharap sa WPS.
Kabilang sa mga matatanggap ng mga mangingisda ay mga bangka payao, lambaklad, iba’t ibang fishing paraphernalia, seaweeds propagation gears at maging fisheries post-harvest equipment.
Kasama sa mga lugar na makikinabang sa LAYAG ay ang Region III, Region I at MIMAROPA (Mindoro, Marinduque and Palawan) Region pati ang Pag-asa Group of Island.
“At ang kagandahan po nito, mayroon po tayong mga proyekto sa ilalim nito na mga malalaking bangka para po mas may kakayahan ang ating mga mangingisda na makapangisda po diyan sa (Good thing is, we have big bancas for this project, to build-up the fishermen capacity to fish in) West Philippine Sea,” ani Briguera.