MAKATATANGGAP ng anniversary bonus ang mga empleyado ng Department of Agriculture (DA), ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa kanyang talumpati sa 125th anniversary ng DA kahapon, sinabi ng Pangulo, siya ring Agriculture secretary, kinikilala niya ang mga pagsusumikap ng mga kawani ng kagawaran at mahalagang kontribusyon at dedikasyon sa paglilingkod at paghubog sa lipunan ng bansa.
“You will have a bonus,” anang Pangulo sa mga kawani.
Ayon sa isang opisyal ng agrikultura na hindi nagpakilala, na ang mga empleyado ay maaaring makatanggap ng P5,000 na bonus bawat isa, base sa computation at rekomendasyon na isinumite ng DA para sa pag-apruba ng Pangulo.