UMABOT na sa halos kalahating milyong views ang Tiktok video na umiindak ang aktres at Quezon City Councilor Aiko Melendez at ibang lokal na opisyal ng siyudad sa loob ng Quezon City session hall na nakasabit ang watawat ng Pilipinas.
Kasama ni Melendez sa viral videos sina Sangguniang Kabataan (SK) Federation President Julian Trono, Dorothy Delarmente – QC Councilor District 1, Wency Lagumbay – QC Councilor District 3, Chuckie Antonio – QC Councilor District 3.
Posibleng kaya silang masampahan ng reklamong paglabag sa Republic Act No. 8491 or the Flag and Heraldic Code of the Philippines, ang batas na nagbibigay proteksyon sa watawat ng Pilipinas laban sa anomang uri ng pambabastos o paninira?
Katuwiran ng aktres, ginawa naman nila ito bago magsimula ang kanilang session, “ We did not violate any ruling po.”