Pinalagan na ng aktres na si Xyriel Manabat ang mga taong mahilig pumuna ng kanyang katawan at ayon sa dalaga ay iba’t-ibang klase ng body-shaming at pambabastos na ang nararanasan niya dahil sa kanyang malaking dibdib.
Ayon kay Xyriel, hindi niya matanggap ‘yung masamang pag-iisip at pagiging unfair ng ibang tao dahil sa kanyang katawan.
“Ayoko po ‘yung iba na gina-justify, nino-normalize, pinagtatanggol nila ‘yung maling utak ng pagiging bastos, pagbo-body shame, ayoko po ‘nun. ‘Yun po ang kinaiiyakan ko,” sabi ng dalaga. “Kasi iniisip ko, ‘matino naman akong tao, bakit ganun sila.’ Hindi ko naman deserve ‘to, gusto ko lang namang mag-express ng suot ko, bakit ako ‘yung mag-aadjust e wala naman akong mali.”
“Hindi naman po aksidente ‘yung pagmamanyak o pangbabastos nila kasi nakokontrol ‘yung utak. ‘Yung body type ko, ‘yung katawan ko hindi ho, normal po siya,” dagdag niya.
Sinabi rin ni Xyriel na nabibigla siya sa ibang tao na nagagawang manlait upang mapansin lang niya.
“May messages or magkoko-comment na sobrang below the belt tapos kapag nireplyan po sila, sobrang shunga ng reply. Bigla po silang magre-reply ng, ‘yey na-notice na ako!’” saad ng aktres.
“Hindi ho natin kailangang mambaba ng tao para ma-notice kung notice lang ho ang gusto nila. Ganun na ho kakitid ‘yung utak nila. Nakakalungkot ho na ganun sila mag-isip,” dadgag niya.
Nang tanungin naman siya ni Ogie kung ano ang reaksyon niya sa mga taong naka-focus sa lagi sa kanyang dibdib.
“As long as hindi naman po body shaming, hindi naman sexualizing or objectifying okay lang po na hangaan nila [ang dibdib ko], okay lang po na ma-notice nila pero huwag po nilang bigyan ng double standard na parang, ‘dapat ito lang ako kasi sila ganito lang.’ Grabe po silang mag-double standard sa bagay na hindi ko naman kontrolado. ‘Yun lang po ang ayaw ko,” sabi ng dalaga.