It’s Showtime, out “Legit” Eat Bulaga, in sa TV5
“SINIPA”ng Kapamilya Network ang ABS-CBN noontime show na “It’s Showtime” na pinangunahan ni Unkabogable Star Vice Ganda.
Sa opisyal na kalatas ng ABS-CBN kanina ay kinompirma na lilipat ang”It’s Showtime” sa Gtv (Good Television) na pagmamay-ari ng GMA network simula sa 1 Hulyo 2023.
“Starting July 1 2023, ‘It’s Showtime’ will also be aired on GTV from Monday to Saturday at 12 noon,” anang ABS-CBN.
Sabi ng ilang netizens, parang “killing me softly” ang ginagawa ng GMA-7 sa “Eat Bulaga” dahil itinapat ang “It’s Showtime” sa time slot nito.
Duda pa nga ng iba, baka hintayin na lang ng GMA-7 ang pagtatapos ng kontrata sa kanila ng TAPE Inc. sa 2024 kaya ikinasa na ang “It’s Showtime” sa GTV.
Kinompirma kamakailan ng Mediaquest Group na ang TV5 na ang magiging bagong tahanan ng original “Eat Bulaga” nina Tito, Vic, and Joey at ng Dabarkads.
“The Mediaquest Group has entered into an agreement with Tito, Vic, and Joey and the Dabarkads to produce content for TV5 and other Mediaquest platforms,” sabi ng Mediaquest Group sa isang statement.
Nagsimula noong nakaraang Marso sumingaw sa publiko ang naging iringan sa pagitan ng TAPE Inc. ng mga Jalosjos at ng TVJ ang sapilitang pagretiruhin ng kompanya ang co-owner na si Antonio Tuviera pati ang umano’y milyun-milyong pisong pagkakautang sa talent fee ng hosts ng “Eat Bulaga”, ang longest-running noontime TV show sa buong mundo.