Inamin ng aktres na si Rita Daniela na tapos na ang relasyon niya sa kanyang non-showbiz partner matapos ang apat na taon.
Sa isang panayam, sinabi ni Rita na talagang wala na sila ng tatay ng kanyang anak na si Baby Uno.
“Naghiwalay na po kami nu’ng tatay ni Uno. We really tried our best just like everybody else but it didn’t work out,” saad ni Rita sa panayam ng King of Talk na si Boy Abunda.
Pero sa kabila nito, sinabi ng Kapuso star na naghiwalay sila ng naayos ng guy at nananatili pa rin daw silang magkaibigan at nagkasundo rin sila na magtutulungan at magsusuportahan sila sa pag-aala at pagpapalaki sa kanilang anak at maayos ang naging co-parenting agreement nila para kay Baby Uno.
“I’m actually proud of ourselves, kaming dalawa, kasi hanggat maaga inaayos na namin siya para kapag lumaki na si Uno, alam mo po ‘yun, peaceful po kami and we can still be a family na wala nang mga isyu-isyu sa both sides,” sabi ni Rita.
Ang una raw niyang sinabihan na hiwalay na sila ng kanyang boyfriend at ang kanyang kapatid.
“Ang sinabi ko noon, ‘Ate I think wala na kami,’ ganu’n lang, casual. ‘At saka sigurado na kami.’ Kasi alam naman ng family ko na tina-try namin many times. Matagal din kami together, almost four years. We really tried our best,” saad ng aktres.
“I’m happy kasi klaro naman ‘yun sa aming dalawa na ito ‘yung papel namin sa buhay ni Uno. But of course definitely masakit, painful ‘yun sa akin bilang nanay,” dagdag niya.
Ito naman ang mensahe ng Kapuso actress at TV host kay Baby Uno.
“First of all thank you so much for giving me this opportunity because not every mom can have this opportunity. Uno, nanay will always love and support you now matter what. I love you for who you are, keep being you and I’m very proud of you. Always remember anak that you are kind, you are important, you are loved, you’re blessed, that Jesus loves you and He’s always with you. I promise to sing for you, always and forever. So anak, ano ba tayo, red wine or white wine?” sabi ni Rita.