Aminado ang aktres na si Ellen Adarna na naghahanda na siya para sa kanyang pregnancy journey at ang kanyang unang hakbang ay ang pagtigil niya sa pagyoyosi after 17 years of being a smoker.
Ayon sa aktres, decided na siya na makabuo na sila ng asawa niyang si Derek Ramsay ng sarili nilang anak kaya itinigil na niya ang pagbi-vape at sa kanyang IG ay namaalam na siya sa kanyang vaping device.
“Goodbye, my friend. Seventeen years of smoking. I’m gonna break up with you now. Today. Goodbye. Goodbye. I’m heartbroken,” ang pamamaalam niya sa natutang vape.
Kasabay nito, mariing itinanggi ni Ellen na buntis na siya kaya bigla siyang tumigil sa pagyoyosi.
“I’m not pregnant. I’m preparing my body to get pregnant,” sabi ni Ellen.
Sa isa pa niyang video sa IG, ibinahagi ni Ellen ang tungkol sa side effects ng paghinto niya sa pagbe-vape sa loob lamang ng kalahating araw.
“I don’t get styes, but this is, it’s here, I think it’s from the stress. The emotional stress that I went through, that I’m still going through. The detachment of vape. It’s showing,” sabi ng aktres.
“My demons are strong today,” dagdag pa niya na kitang-kita kung paano niya pinaglalabanan ang pagwi-withdraw sa vaping.
Sinagot naman ni Ellen ang tanong ng isang netizen kung ano ang mas feel niyang maging anak nila ni Derek, kung babae o lalaki.
“Sana girl para tapos na ang boxing. We have both boys na. We want one na lang. Pero if it’s a boy, okay lang din,” sagot naman ni Ellen.