Halatang talagang excited ang aktres na si Chie Filomeno ngayong mukhang kasama siya sa inaabangang pelikula na pinagsamahan ng award-winning actress na si Kathryn Bernardo at Hollywood star na si Dolly De Leon, ang “A Very Good Girl.”
Ayon sa dalaga, talagang masaya siya dahil feeling niya ay magiging blockbuster movie ito at siya ay parte ng ganitong klaseng milestone bukod pa sa mga bigating mga artistang makakasama niya.
Inalala pa ni Chie ang kanyang past tweet tungkol sa pelikula na kung saan daw ay lubos ang kanyang paghanga at papuri para rito.
“Naalala ko nung nag tweet ako about this movie, dahil grabe yung mga bida at production,” sabi ni Chie sa isang Twitter post. “Sobrang talented na mga actress, napakahusay sa larangan na ginagawa nila. Na alam ko A Very Good Girl is going to be another blockbuster movie of Kath.”
“I was so happy for her because DESERVE! Now I am a part of another of her milestones [black heart emoji] so happy to be a part of this movie! Tapos with Ms. Dolly and ms Angel paaaaa [emojis],” sabi pa ni Chie.
Kung maaalala, noong nakaraang buwan lamang ay ibinahagi ng Star Cinema ang pasilip para sa unang araw ng shooting para sa nasabing pelikula.
Wala pang masyadong detalye na inilalabas patungkol sa pelikula, pero nakatakda itong ipalabas ngayong taon.