Iniulat ng mga otoridad nitong Miyerkules na isang motorcycle rider ang natagpuang patay malapit sa underpass ng EDSA-Shaw sa Mandaluyong City na pinaghihinalaang biktima ng isang hit-and-run.
Ayon sa mga paunang ulat, mukhang naaksidente umano ang rider kung saan duguan ito at nakahandusay sa bahagi ng EDSA na nasa ilalim mismo ng MRT Shaw Station.
Isang concerned citizen ang nagreport sa mga awtoridad nang alas-singko ng umaga na may lalaking nakahandusay sa daan.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority at Inter-Agency Council for Traffic.
Hinihinalang nasagasaan ng malaking sasakyan ang biktima na napugutan ng ulo.
Tumilapon ang rider mula sa kanyang motorsiklo sa lakas ng impact.
Kasalukuyan nilang nire-review ang mga kuha ng CCTV sa lugar.
Dalawang lane ng EDSA ang isinara dahil sa aksidente.
Samantala, natukoy na ng mga awtoridad ang pagkakilanlan ng biktima, base sa driver’s license at company ID na nakuha sa motorsiklo.
Mahigit dalawang oras ang nakalipas bago dumating ang mga tauhan ng Scene of Crime Operations (SOCO) ng Philippine National Police (PNP).
Naialis na ang bangkay ng biktima sa nasabing lugar nitong 8:05 a.m.
Umabot naman hanggang Cubao ang traffic sa EDSA dahil sa aksidente.