Humingi ng paumanhin ang aktres na si Jane de Leon sa kanyang mga tagasunod at tagahanga dahil matagal-tagal rin siyang hindi nagparamdam sa social media.
Sa kanyang pinakabagong vlog, ibinahagi ng dalaga ang ilang mga kaganapan sa kanyang showbiz career at personal life.
Ayon kay Jane, pagkatapos umere ng “Darna” nitong unang bahagi ng 2023 ay naglaan talaga siya ng mahabang panahon para sa kanyang pamilya at ilang natanguang showbiz events.
Sa bago niyang YouTube entry na may titulong “MEET JANE: Long Time No See” sinimulan niya ang kanyang mensahe sa pamamagita ng isang “apology”.
“HI it’s me, myself and I and long time no see sa inyong lahat, grabe. I think months na ata yung nakakalipas. Wala pa namang taon na hindi tayo nagkikita and I’m really sorry na ngayon na lang ulit ako nakapag-release ng vlog kasi alam naman nating lahat na na-busy ako at kakatapos lang ng project na ginawa ko which is ang Darna,” sabi ni Jane.
“And I’m really happy with my team. Even though it’s not 100% perfect but I know that we really did our best. Other than that, madami pa akong work na ginagawa na shoots out of country and out of town and sobrang blessed naman ako,” dagdag pa niya.
“Ngayon, siguro nagpo-focus muna ako with my family kasi last time kulang din yung time na binigay ko sa kanila. But now na medyo lumuluwag na yung schedule ko for now kaya nakagawa din ako ng vlogs. Sana magtuluy-tuloy na,” sabi pa ni Jane.
Ipinakita rin ng dalaga sa bago niyang vlog ang pagbabakasyon niya sa Bangkok.
“Pumunta ako sa Thailand with my family. So mas marami kami ngayon with kuya Nico and kuya Bong unlike before na pumunta kami sa Singapore na apat lang kami nila mama. Ngayon mas masaya kasi marami kami. And ang pinakagusto ko sa Thailand is yung mga street food. Grabe, sobrang sarap and sobrang maanghang talaga yung mga pagkain. And ang maganda pa du’n, sobrang mura pa ng mga damit. Mapapa-shopping ka talaga. Mura and maganda naman ‘yung mga fabric. Hindi naman chipipay ‘yung mga damit dun so madadala mo talaga siya sa PIlipinas lalo na sa mga mahihilig mag-OOTD,” sabi ni Jane.