Naibalita nitong nakaraan na namayapa ang South Korean actress na si Park Soo Ryun noong June 11, 2023 at ayon sa mga naging ulat, aksidente raw na nahulog ang aktres sa hagdan ng kanilang tahanan nang umuwi ito mula sa trabaho.
Ayon sa pahayag ng kanyang ina, ilang araw umanong na-comatose ang aktres bago ito tuluyang namaalam, kaya naman labis ang nararamdamang lungkot ng mga fans lalo na’t 29 years old lang ito nang mamatay.
Base na rin sa inilabas ba report ng Soompi na isang South Korean entertainment portal, nag-decide ang pamilya ng dalaga na i-donate ang kanyang organs dah ito rin ang kahilingan ng aktres.
Unconscious raw ang utak ni Soo Ryun pero nananatiling tumitibok ang puso nito.
“There must be someone who desperately needs [organs]. As her mother and father, we will be able to live comforted [by the thought that her heart] has gone to someone and is beating,” pagbabahagi ng ina ni Soo Ryun.
Nasa Suwon Hospital ng Gyeonggi Provincial Medical Center sa Jangan-gu, Suwon, Gyeonggi-do, South Korea naman ang kanyang mga labi.
Nag-debut si Soo Ryun sa isang creative musical na “Il Tenore” noong 2018 kung saan una siyang nakilala.
Lumabas rin sita sa “Finding Kim Jong Wook”, “Passing Through Love”, “The Days We Loved”, at “Siddhartha”.
Noong 2021 ay napanood rin si Soo Ryun sa K-Drama series na “Snowdrop” kung saan nakasama nita sina Jung Hae-in at Jisoo ng BlackPink.