Hugot na hugot ang Independence Day celebration ng aktres na si Andrea Brillantes na nababalita ngayon na hiwalay na sa kanyang nobyong si Ricci Rivero.
Nitong nakaraan kasi ay nag-guest ang dalaga sa “It’s Showtime” para para sa promo ng kanyang iWantTFC digital series na “Drag You & Me” kasama ang dancers ng programa na Baby Dolls.
Pagkatapos ng kanyang drag performance, humirit ang host ng show na si Vice Ganda ng, “Happy Independence Day!” Na agad namang sinagot ni Andrea ng, “I know, happy Independence Day to me and to all of us! Ako lang ‘to!”
Sumingit ang isa pang host ng noontime show na si Jhong Hilario at sinabing may regalo raw si Andrea para sa mga manonood at ang reaksyon umano ni Vice, “Regalo? Tignan mo nga naman nakatanggap pa tayo ng regalo mula sa iyo.”
“Ganoon po ako magmahal eh,” ang hirit na tugon ni Andrea.
Samantala, game na game namang sumabak ang dalaga sa segment ng programa na “Rampanalo.” Hirit sa kanya ni Vice, “Suwerte ba si Andrea? Andrea lately may swerte ka ba?”
“Mayroon siyempre,” sagot ni Andrea. Komento naman ni Vice, “Hanggang nakangiti ka at kaya mong ngumiti ibig sabihin sinuswerte ka pa.”
“Suwerte ako hangga’t kaya ko pa magmahal, lalo na at at kaya kong mahalin ang sarili ko, suwerte ako,” ang sabi naman ni Andrea na binigyan ng group hug ng mga host ng “Showtime.”
Sa isang bahagi ng “Rampanalo”, sinabihan siya ng contestant na baguhin ang kanyang position, muling hugot ni Andrea, “Pati dito, papalitan ako.”
Kung matatandaan, mismong ang aktor at basketball player ang nagkumpirma nito sa kanyang Twitter account.
“I own up to the mistake of not making my relationship status public because I felt there’s no need to add up to what were going through. Please respect our decision to keep it to ourselves so that we can preserve what’s left of our friendship. I hope let’s stop creating your own versions and dragging other characters into these false accusations. I am sorry for whatever disappoinments it may have caused you — for everyone’s peace of mind, please allow ourselves to heal and move on peacefully without hate and pain,” ang pahayag ni Ricci.