Nagpaliwanag nitong nakaraan ang aktres na si Rhian Ramos sa mga kumakalat na tsismis na may relasyon sila ni reigning Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee.
Sa mga ulat kasi, may nakarinig na “wifey” at “honey” ang tawagan nilang dalawa kaya naman talagang umugong ang balita na sila na, lalo na nang mag-out si Michelle at umamin na magkasama sila sa iisang bahay.
Pero giit ni Rhian, walang katotohanan na may relasyon sila kahit pa almost two years na silang magkasama ni Michelle sa iisang bahay.
“Actually even before pa naman, starting two years ago, marami na kaming shippers, marami nang nagta-tag sa aming dalawa, nae-edit ‘yung mga videos namin with very romantic music and everything. We’ve always found it funny and cute, because ayun nga dahil sa totoong buhay, because we live together, it’s like ‘Oh my God, parang mag-asawa na tayo,’ parang ganu’n,” sabi ni Rhian.
“That’s why wifey nga and honey ang aming tawagan. But yeah, I’m sorry to disappoint everyone, hanggang ship na lang talaga ‘yan. But she’s a wonderful girl and I’m just happy that everyone is tagging us and supporting her,” dagdag niya.
Wala rin daw siyang fear na baka maapektuhan ang kanyang image at showbiz career sa mga malilisyosong tsismis sa kanila ni Michelle.
“Hindi naman ako nag-worry. Siguro sanay na rin ako that people have misconceptions all the time and it doesn’t really bother me. I think it’s just as long as the people that I’m very close to know who I am then I don’t really worry,” sabi ng dalaga.
“Parang normal naman sa showbiz to have misconceptions and besides I already did a show where mag-partner kami ni Glaiza (de Castro) sa ‘Rich Man’s Daughter’ so even if I never met Michelle, pinaghihinalaan na ako so I’m okay,” dagdag pa niya.