Binasag na rin sa wakas ng beauty queen at Los Baños Councilor na si Leren Mae Bautista ang kanyang katahimikan kaugnay sa kumakalat na tsismis na siya ang rumored girlfriend ng basketball player na si Ricci Rivero.
Sa kanyang social media post, naglabas ng opisyal na pahayag ang dalaga at nilinaw niyang wala siyang “romantic relationship” kay Ricci at iginiit na hindi totoo ang mga akusasyon sa kanila at isa itong fake news.
Ayon pa kay Leren, ipinatanggal na niya ang video na ipinost ni Ricci para hindi magpatuloy ang espekulasyon ng mga netizen.
“The Office Of Councilor Leren Mae Bautista wants to make it clear that these claims are entirely false and have no basis in reality,” caption niya sa Facebook post. “We call on everyone to do the importance of fact-checking information shared across various internet platforms.”
Kung matatandaan, nasangkot ang pangalan ni Leren matapos nitong mag-post na magkasama ang dalawa sa birthday ni Ricci habang nagsasagawa rin ng outreach program sa Laguna.
Ngunit bago pa ‘yan, si Leren na ang itinuturong dahilan umano ng netizens kaya naghiwalay sina Ricci at aktres na si Andrea Brillantes.
Ito’y matapos kumalat sa social media ang ilang mga litrato na spotted na magkasama ang basketball player at beauty queen.
Kung maaalala, si Ricci mismo ang nagkumpirma na hiwalay na sila ng aktres.
Pakiusap pa niya, sana raw ay tigilan na ng iba ang paggawa ng kwento at pagdamay sa ibang tao sa isyu.
Humingi rin ng tawad ang binata sa mga fans at supporters nila ni Andrea na labis na naaapektuhan sa kanilang paghihiwalay.