Kinasuhan na ang tatlong tao na nasa likod umano ng pagpatay kay Adrian Rovic Fornillos, na kalahok sa Mister Cagayan de Oro 2023 at batay sa imbestigasyon ng pulisya, crime of passion o obession ang lumalabas na motibo sa krimen.
Kabilang sa mga kinasuhan sa piskalya ang sinasabing utak sa krimen at ang bumaril sa biktima at ayon kay Cagayan de Oro City Police Office (Cocpo) spokesperson Lt. Col. Evan Viñas, obsession umano ang motibo sa krimen dahil ayaw ng isa sa mga suspek na mapunta ang biktima sa iba.
Matatandaan na papunta si Fornillos sa isang bahay para magsanay sa gaganaping pageant nang bigla siyang lapitan ng mga salarin at binaril sa ulo.
“As per statement sa station commander ug sa investigator on case, this is a crime of passion o obsession. Nahimo sa suspetsado ang maong krimen kay obsessed ug dili siya gusto nga mapunta sa laing nilalang ang usa pud ka babae,” ayon kay Viñas.
Samantala, arestado ang isang lalaki matapos makuhanan ng P1 milyong halaga ng shabu at iba-ibang klase ng mga baril sa Sariaya, Quezon noong umaga ng Sabado.
Ayon sa ulat ng Quezon police, ang suspek ay kamag-anak ng isang politika sa probinsiya at itinuturing na “priority high value target.”
Nakuha sa suspek ang higit 52.3 gramo ng shabu na may halagang P1.06 milyon.
Nangyari ang raid sa bahay ng suspek sa Barangay Morong at nakumpiska sa suspek ang mga baril, rifle at bala.
Nahaharap umano ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.