Aminado ang South Korean superstar at dating miyembro ng 2NE1 na si Sandara Park na talagang manghang-mangha siya sa mga Pinoy dahil hanggang ngayon ay kilala pa din siya.
Sa isang social media post, nagpahayag ng damdamin ang dalaga at pagkagalak na kahit ilang taon na siyang wala sa bansa ay kilala pa rin siya ng madlang pipol.
“Question! Pano nyo ba ako naalala hanggang ngayon kahit matagal nako wla sa Phil. Tv show,” tweet ni Sandara. “Sa halos lahat ng generation, naalala pa nila ako. Kahit sa mall, sa market, sa restuarant, sa lahat ng places kakagulat hehe I’m so happy!!!”
Marami namang mga netiens ang sumagot sa tweet ni Sandara.
Sa ngayon ay nasa Pilipinas si Sandara para mag-shoot ng Korean variety show na “Idol Truck Project”.
Kasama niyang dumating ang WINNER member na si Jinu pati na rin ang rapper na si DinDin at ang NU’EST members na sina JR at Aron.