Inamin ng aktres at host na si Chie Filomeno na wala pa umanong label ang sinasabing relasyon nila ng aktor na si Jake Cuenca at paliwanag ng dalaga, nasa getting-to-know stage pa lamang umano sila.
Madalas daw silang nag-uusap pero hindi rin umano sila nagmamadali sa kanilang relasyon dahil iba ang prayoridad sa buhay ni Chie.
“Nag-uusap kami po, and siguro, taking time din kasi alam din naman niya kung ano ‘yung priority ko in life. And he’s really understanding,” sabi ni Chie.
Kasunod niyan ay pinapanood kay Chie ang isang video ni Jake na kung saan ay inihayag ng aktor ang nararamdaman para sa aktres.
Tila kinilig naman si Chie sa nasabing video dahil naging vocal si Jake pagdating sa nararamdaman sa kanya.
“Actually, flattering din ‘yung sinabi niya kasi hindi lahat ng lalaki vocal sa feelings nila,” sabi ng dalaga. “And I’m happy na he’s vocal sa feelings niya sa’kin.”
“I do admire him also…and I look up to him,” dagdag niya.
Kung matatandaan, nauna nang sinabi ni Jake na kahit abala siya sa trabaho ay handa na siyang makipag-date matapos ang isang taong single.
“But for now, sobrang busy pa talaga ng schedule. But I can allow myself to go out again. I can allow myself to enjoy things again,” sabi ni Jake.
Naging usap-usapan sa social media ang dalawang artista dahil agaw-pansin ang madalas na pagla-like at pagko-comment ni Jake sa mga posts ni Chie.