Talagang hindi kumukupas ang kagandahan ng aktres na si Kristine Hermosa at may ilang mga netizens nga ang nagsasabing ang aktres ay ang “Song Hye Kyo of the Philippines.”
Nag-viral kasi ang larawan ng misis ng aktor na si Oyo Sotto nang dumalo ito sa nakaraang Unveil 2023 fashion Show na ginanap sa Edsa Shangri-La Manila, Mandaluyong City.
Base sa post ng Nice Print Photography sa Facebook account nito kamakailan ay almost 2,000 ang nag-heart at like sa mga larawan ng dating aktres at almost 200 shares naman.
Ayon sa netizen na si @Kel Cian Dacula Bernales, “Iba tlga ang ganda ni miss Kristine di nakakasawa.”
In fairness din naman ay masuwerte rin si Kristin kay Oyo dahil ideal husband at father sa lima nilang anak.
Sa 12 years of marriage nina Oyo at Tin ay walang nabalitang malaking away ang dalawa at wala ring balitang tumingin sa ibang babae ang aktor.
Kaya naman sobrang proud ang hubby ni Kristine sa pinost nitong larawan niya na kinunan sa kasal ng ate Kathleen Hermosa niya nitong isang araw. Hindi nakatingin si Tin dahil tinitingnan niya ang sapatos niya.