Maugong na ngayon ang balitang hiwalay na ang aktres na si Andrea Brillantes sa nobyo nitong si Ricci Rivero dahil naging viral ang binata na tila nali-link na sa beauty queen-politician na si Leren Mae Bautista.
Nitong nakaraan kasi ay may kumalat na pag-re-story ng binata sa IG story ni Councilor Leren na ang basketbolista rin naman ang laman.
Bukod pa rito, may mga larawan rin ang beauty queen at councilor ng Laguna na magkasama silang nag-celebrate noong birthday ni Ricci at namahagi ng mga pagkain sa mga residente sa isang lugar sa Los Baños, Laguna.
Kaya naman talagang galit na galit ang mga netizens lalo na ang mga tagasuporta ni Andrea dahil tila niloloko ang dalaga ng kanyang sariling boyfriend.
Sa ngayon ay nasa Spain pa si Andrea at wala pa namang pahayag o kumpirmasyon kung hiwalay na nga ba sila ni Ricci.
Sa isang hiwalay na balita naman, naglabas na si Ricci ng pahayag ukol sa mga pangyayari at sa kanyang Twitter ay nagsabi ang binata na sana respetuhin ng mga tao ang kanilang desisyon.
“I own up to the mistake of not making my relationship status public because I felt there’s no need to add up to what were going through. Please respect our decision to keep it to ourselves so that we can preserve whats left of our friendship,” saad ni Ricci.
Pakiusap pa niya, sana raw ay tigilan na ng iba ang paggawa ng kwento at pagdamay sa ibang tao sa isyu.
“I hope let’s stop creating your own versions and dragging other characters into these false accusations,” sabi ng basketbolista.
Humingi rin ng tawad ang binata sa mga fans at supporters nila ni Andrea na labis na naaapektuhan sa isyu.
“I am sorry for whatever disappoinments it may have caused you – for everyone’s peace of mind, please allow ourselves to heal and move on peacefully without hate and pain,” sey pa ni Ricci.